Huwag kaligtaan ang kumain! Kung gipit sa badyet, Makakatulong ang SNAP.
Supplemental Nutrition Assistance Program
Ano ang SNAP?
Sa Inglis, ang ibig sabihin ng SNAP ay Supplemental Nutrition Assistance Program at kung isalin ay ang Programa sa Karagdagang Pangtulong sa Nutrition 0 Pagpapakain. Ito ay tumutulong sa mga pamliya na mababa and kinikita at naghihirap/nagugutom at hindi kayang bumili ng wastong pagkain sa tindahan, groseriya o palengke.
Mga Kailangang Malaman Tungkol sa Programang SNAP
Makakatulong ang SNAP sa pagbili ng masustansiyang pagkain na kailangan sa kalusugan.
Ang benepisyo sa SNAP ay idinedeposito sa Electronic Benefits Transfer (EBT) card, (Karta kung saan inililipat ang benepisyo sa pamamagitan ng elektronika.)
Ang iyong karta ng EBT ay parang debit card sa bangko na maari mong gamitin na pambili sa tindahan o palengke ng mga magsasaka.
Ang mga pamilya na tumatanggap ng SNAP ay maari ding kwalipikado para sa WIC at/o sa programa ng pakain sa eskwelahan.
Ang mga pagkain na binibili na gamit ang SNAP ay walang buwis sa bentahan.
May mga hindi pa citizen ngunit legal and pagtira dito ay maari ding makakuha ng SNAP. Kahit hindi ka sana kwalipikado dahil sa estado mo sa imigrasyon, yung mga anakmo o mga kasambahaymo na mga citizen na ay maaring kwalipikado sila.
Maaring kwalipikado ka sa SNAP kahit ikaw ay nag-tatrabaho.
Ang SNAP ay maaring gamitin na pambili ng binhi at tanim na palaguhin para kainin.
Hindi maaring gamitin ang SNAP na pambili ng alak o beer/serbesa.
Hindi mo maaring gamitin ang SNAP na pambili ng sigarillo o tabako, pagkain ng alagang hayop, bitamina o gamot, o mga hindi kinakain na bagay gaya ng sabon o kagamitang pambahay.
Ang SNAP ay hindi maaring gamiting pambili ng nakahanda nang maiinit na pagkain.
Ang pagkain ng masustansiyang kinakain ay makakatulong sa iyo at ang iyong pamilia na manatiling malusog at maganda ang pakiramdam.
Saligan ng SNAP sa Kinita
Ang federal poverty guideline [FPL] (ang pamantayan federal ng karalitaan) na nakalista sa ibaba ay makakatulong sa iyo na alamin kung ang buwanang kinikita mo ay lalampas na sa itinakdang tuntunin ng SNAP upang karapatdapat na makatanggap ng benepisyo ng SNAP. Kung ang kinikita mo ay higit sa tuntunin, hindi ka na nararapat sa tulong ng SNAP.
*** Itong mapa/tsart ng Federal Poverty Limit (FPL) ay isang reperensiya lamang. Ang isang empleyado ang magpapasya kung ikaw ay nararapat sa programa o hindi.
Nagkabisa noong 10/1/2023
Kahaliling Babayaran
Maari kang pipili ng isang tao na magiging Kahalili mo na Babayaran. Ang taong ito ay tatanggap ng kartang EBT at PIN upang magamit niya ang benepisyo sa EBT mo para makabili ng pagkain para sa iyo. Dapat ang taong ito ay isang mapagkakatiwalaan at na sa wastong gulang na gaya ng kapatid, kamag-anak, kaibigan o kapitbahay. Pipilika ng isang taong mapagkakatiwalaan dahil maari niyang gastusin ang iyong benepisyo/kapakinabangan. Hindi na mapapalitan ang nawala o ninakaw na benepisyo ng SNAP.
Autorisadong Kinatawan
Maari kang pumili ng isang tao na magiging isa mong Autorisadong Kinatawan. Ang taong ito ay maari niyang gamitin ang kartang EBT mo na bumili ng pagkainmo. Makakatulong din ang - Autorisadong Kinatawan na ito na humiling para sa iyo ng benepisyo ng SNAP o kaya magreport/ mag-ulat ng ano mang pagbabago tungkol sa iyo. Ang taong ito ay dapat isang mapagkakatiwalaan mo, gaya ng isang kapatid, kamag-anak, kaibigan o kapitbahay. Piliin mo ang isäng may tiwala ka sapagkat maari niyang ubusin and iyong benepisyo. Ang nawala o ninakaw na benepisyo ng SNAP ay hindi na mapapalitan.
Madadaling Hakbang Tungo sa Benepisyo ng SNAP
Kumpletuhin ang isnag application sa internet: https://pais-benefits.dhs.hawaii.gov
Consiga una aplicación Call: 1(855)643-1643
Kunin ang aplikasyon mula sa internet: http://humanservices.hawaii.gov/bessd/snap
Punuin Sagutan at ibalik ang aplikasyon
Punuin lahat ng masasagot mo sa aplikasyon. Tiyakin na nandiyan ang pangalan mo, tirahan at pirma mo. Sapat na ito para maumpisahan ang proseso ng aplikasyon. Kung kailangan mo ang tulong sa pagsagot nitong aplikasyon, humingi ng tulong sa isang empleyado ng SNAP, o isang kaibigan, o kamaganak.
Ibalik agad ang aplikasyon sa tanggapan ng SNAP. Maaring padala sa koreo, i-fax, o dalhin lang sa opisina nila.
Itakda ang pakikipag-usap sa kanila
Ang tanggapan ng SNAP ay tatawag sa iyo upang itakda ang pakikipag-usap. Maari mong hingin na telepono na lang ang gamitin sa pakikipag-usap.
Dalhin ang mga papeles doon sa pakikipagusap. Ang mga nakalistang gagawin o dadalhin sa polyetong ito ay makakatulong sa iyong paghahanda sa pakikipag-usap mo. Hindi mo kailangan na dalhin lahat. Itanong mo sa empleyado ng SNAP kung ano ang mga bagay na dadalhin mo sa pakikipag-usap mo sa kanila.
Gamitin itong listahan sa paghahanda sa iyong panayam/interview.
Pagkakakilanlan (sino ka)
Sertipiko ng kapanganakan
Lisensiya ng pagmamaneho
ID kard sa trabaho o eskuwelahan
Karta sa benepisyong pangkalusugan
Tirahan
Bayarin sa kuryente, gas, o tubig
Kontrata sa pangungupahan o ulat ng pagkakautang
Sulat mula sa silungan/shelter kung saan ka nakatira
Ang kinita mo
Sobre ng suweldo
Rekord sa sariling pagtatrabaho/negosyo
Porma sa pagbabayad ng buwis sa kinita (income tax)
Ulat sa pinagtatrabahoan kung magkano ang buong suweldo/kinita
Iba pang kinita (na hindi galing sa trabaho o negosyo)
Ulat sa bangko na nagpapakita kung magkano
ang deposito mo
Sulat ng ahensiya na nagpapakita kung magkano ang natatanggap mo gaya ng Social Security, Veteran’s Affairs, suporta sa anak mula sa magulang, alimony, kawalang trabaho
Imigrasyon
Papeles sa imigrasyon o naturalisasyion (kung ikaw ay napanganak sa labas ng U.S.)
Iba pang gastusin
Pagbabayad sa suporta sa anak o alimony (sa dating asawa)
Sa mga matatanda (idad 60 at pataas) o walang sapat na kakayahan: babayarin medikal gaya ng gamot, ospital, doktor, gamit sa pandinig, serbisyo ng isang hayop, o binabayaran sa insurance/ paseguro pangkalusugan
WE ARE HERE TO HELP, FOR QUESTIONS:
CALL 808-201-3937 EXT. 14
This project has been funded at least in part with Federal funds from the U.S. Department of Agriculture. The contents of the publication do not necessarily reflect the views or policies of the U.S. Department of Agriculture, nor mention of trade names, commercial products, or organization imply endorsement by the U.S. Government.